Friday, March 27, 2009

Marunong ka na ba?

Marunong ka ba o tatanga-tanga?

Marami kang alam pero marami ka ding hindi alam.

Marami kang tanong pero minsan wala kang maisagot.

Minsan naman isang katanungan pero sobrang dami naman ng sagot.

Minsan nakaka-relate ka, minsan nman para kang tanga.

Kahit anong pilit mong mapansin ng iba, para ka pa ring bato sa isang mapa.

Di ka nakikita, Di ka napapansin, At higit sa lahat wala kang kadating-dating.

Para kang pusa na hindi kumakain ng isda.

Para kang isda na lumalangoy sa lupa.

Wala kang lugar, wala kang mapuntahan.

At higit sa lahat wala kang mga kaibigan.

Pero sino nga ba ang may kasalanan?

Ikaw o ang ibang tao na walang pakialam?

Ikaw o silang nagiging manhid lamang?

Sila o ikaw na gustong mapansin?

Sila o ikaw na loser kung tutuusin?

Bakit nga ba wala kang magawa?

Bakit nga ba sila ay tuwang tuwa?

Masaya kapag nagkakamali ka, Masaya pag tatangatanga ka.

Masaya kapag nadapa ka , Masaya kapag nahulugan ka ng ipot sa mukha.

Minsan nakakainis, Minsan nakakabwisit.

Pero may magagawa ka ba e loser ka nga?

Wala kang dating kahit sa mga bading.

Lalo na sa ibang taong may kasamang lait sa paningin.

San ka pupunta?

Sa lugar ng droga?

Bakit wala ka bang pamilya?

O baka pati sila ay pilit na inaayawan ka?

San ka lulugar? San ka pupunta?

Kung sa puso ng bawat isa ay bale wala ka.

Para kang pisong walang Rizal.

Parang Bisekletang walang pidal.

Kulang sa saya, Kulang sa pagmamahal.

Kulang sa pera. Kulang sa pamilya.

Kulang sa tropa at kulang kulang ka pa.

Paano ka?

Naisip mo ba kung bakit ganyan ka?

Naisip mo na ba pwedeng magbago ba?

Sumpa ba to o Regalo?

Meant to be o Destiny?

Kahit ano pang mangyari wala ka ding magagawa.

Buhay mo yan, tumayo ka kapag nadapa.

Wala kang tambayan? Sori ka

Kung wala kang pamilya, edi gumawa ka.

Bakit marunong ka na ba?

1 comment: